Showing posts with label timebomb. Show all posts
Showing posts with label timebomb. Show all posts

Wednesday, November 7, 2007

My Clock is Ticking like a Timebomb


That is true. Ibang-iba talaga pag alam mong bilang na bilang na lang ang araw mo dito sa mundo. Before, wala sa ugali ko ang magbilang ng araw pero ngayon, or noong nalaman ko na may sakit ako, di natatapos ang araw na napapabuntong-hininga ako at sinasabi sa sarili, "hay, isang araw na naman ang lumipas". Feeling ko ngayon ambilis-bilis ng paglipas ng mga araw. Kakasimula pa lang ng linggo pero parang nasa weekend na agad ako. Madami akong gustong gawin and parang kinakapos parati ako ng oras.


Minsan naiinis ako sa relo ko kse oras-oras tumutunog sya, and parang napepressure ako na gawin ang mga bagay na gusto kong gawin. Kaso sa pagkadami-daming bagay na gusto kong gawin, nawawala naman ako sa focus. Di ko na malaman ngayon kung ano ang uunahin ko. Magulo ang isipan ko. Parang parating may naghahabol sa kin at parang tumatakbo ako parati. Nakakapagod. Sana mafocus ko ang sarili ko.


Well Im sure I will be able to focus myself. Bago pa lang kse kaya medyo nangangapa pa ako. Isang araw na naman ang lumipas at ang 20 years ko (life expectancy ng mga HIV+) ay nababawasan ng nababawasan.