Supposed to be it's the first snow of the season here in my place. actually it's not yet even the winter pero snow has started already in some parts of the US. im waiting for it since this is the first time that i'd be seeing snow. ive been all over the world already but i haven't seen a snow in my life. sabi nila enjoy para sa mga first timers but when it starts to dump piles and piles of snow, di na raw nakakatuwa. im still awake though late na kse i wanna catch the first snow, its my first snow, its OUR first snow ni HIV.
Saturday, November 17, 2007
Wednesday, November 14, 2007
Shorter days, Longer nights...RENT
Ganyan na dito ngayon, mahabang gabi, maiksing araw. Ang effect tuloy mabilis ang paglipas ng mga oras. Nung isang araw ay lunes pa lang tapos ngayon huwebes na, pero parang yung lunes ay kahapon lang. Liban sa mabilis na nga ang mga araw, may mga oras pa na malamig ang hangin na syang umiihip sa mukha mo. Imagine at 4:30pm sunset na. Tapos gigising ka ng 8am kinabukasan medyo makulimlim pa ang paligid. Nakakadepress. Ngayon isipin nyo pa na HIV+ ako, abah talaga namang parang pinagsukluban na ng mundo ang araw ko. Minsan paggising ko, naiisip ko na napapalapit ng napapalapit ang mga nalalabing araw ko dito sa mundo. Minsan, inaasam-asam ko pa rin na sana wala itong virus sa katawan ko. Tanggap ko na naman pero nandun pa rin ang sana ay.....
Patuloy pa rin ang pag-ikot ng aking gulong. Tingin ko nasa baba ako ngayon ng gulong ko. Pero sigurado akong di maglalaon ay aakyat ulit ako sa taas ng gulong. Di naman lahat ng HIV+ ay gumuho na ang mga pangarap nila. Ako kahit HIV+ ako ipagpapatuloy ko pa rin ang pag-asam ng aking mga pangarap, ang maginhawang buhay.
Sa mga kapwa kong HIV+ dyan, tuloy ang pag-ikot ng buhay natin, gawin natin ang lahat para kahit sa sandaling ilalagi natin dito sa mundo, maginhawa ang ating buhay.
RENT, eto ang inspiration ko ngayon.
Subscribe to:
Posts (Atom)